Monday, March 14, 2011

Na isipan mag blog.


Normal sa mga bata na pag may nakitang gusto na laruan o usong bagay mag papabili na sa magulang. Lalo na pag nasa mall tapos pag hindi binili, mag susumpong sa gitna at iiyak.

Sinanay kami mag kakapatid ng magulang namin na walang luho. Dun sa "Bili mo ako nan! Bili mo ako non!" . Hindi mo maririnig samin yan nung maliliit kami. Kahit naman ngayon. Bago ako nabilhan ng colored na cellphone na galing sa magulang ko, 3rd year HS na ako! Nokia 6300. Unang colored ko na phone, sariling baon ko Sony Ericsson. Hindi rin kami yung tipong laging nag m-mall bawat weekend. Gastos, tapos kakain pa sa labas. Gastos na naman!

Halimbawa nalang sa sapatos, isang pares lang. Bakit ka nga naman bibili pa ng maraming sapatos? Pag nasira at hindi na talaga pwede ma-ayos saka papalitan.

Na iintindihan naman namin ng mga kapatid ko ang mga magulang namin. Yung mga unnecessary na bagay, hangga't maaari at kaya pa mag tiis hindi talaga.

Alam nyo ba na simula Gr. 3 wala kaming TV sa bahay! Serioso! Nag karoon nalang kami noong nag 1st year na ako kasi lumipat samin ang lola ko. Pero tignan nyo naman, TV na yon. Hindi pa rin bumili. Angas lang e. Hahaha!



Simula nung nasira yung 6300 ko, di na ako binili ng cellphone. Buti nga may nahiraman ako (eh nasira din) at niregaluhan ako ng Cherry mobile. Yun na gamit ko ngayon, yung cherry.

Di ko maiwasan paminsan i-compare ang sarili ko sa iba. Bakit sila...?

Ngayong college, kung hindi man lahat... pero napapansin ko na halos lahat ata may iTouch. Wow diba? Lahat meron naka-saksak sa tenga na earphones. May mga pinag kaka-abalahan pindutin.

Kahit siguro noong umangat angat yung kabuhayan namin hindi ko naramdaman... siguro lahat binayad sa utang. Hindi ko na rin inalam. Hindi na rin ako nag tanong.



Wala na atang pinatutunguhan tong blog post ko. Basta yon. Naisip ko lang sabihin dito. Bigla na naman ako na insecure e.

No comments:

Post a Comment