Monday, March 28, 2011

A first for everything.

Maniniwala ba kayo na nag lakad ako mula San Jose Village 3B hanggang dito samin sa Belair? Oo, maniwala ka kasi nag lakad talaga ako. Nag short kasi ako sa pamasahe. Mangiyak iyak na ako habang nag lalakad. Kasi di ko rin naman inaasahan.

Habang nag lalakad ako, nakaka-lungkot sympre. Sino ba naman hndi ma hihirapan don? Ang layo rin kaya! Pero siguro eto iba ngayon, kasi eto walang sama ng loob. Angas pa nga kasi habang nag lalakad ako, kumakanta ako ng worship songs! Kahit pa ulit ulit na yung chorus ng Evermore at Inside Out. GO pa rin sa pag kanta si Koya.

5 ako umalis ng 3B, nakarating ako rito sa Belair nga 5:45.

Pag dating na pag dating ko sa bahay, niyakap ko Mom ko. Told her what happened and cried. 2nd time palang to na umiyak ako sa kanya. (Yung una is nung di ako pumasa ng Rural High) Hindi ko naman sila sinisisi sa mga ngyayari samin. Humingi sya sakin ng pasensya. Sabi ko okay lang naman sakin. Mas na hihiya pa nga ako sa kanila lalo e.

Na nanakit ang mga binti ko. Sakit ng paa. Lahat na. Pero siguro may dahilan si God.

Lord, kung pwede sana this week na?

Sunday, March 27, 2011

Tulungan mo naman ako.


Tulad nga ng sabi dun sa picture. Nakaka-miss lang talaga. Na mi-miss ko yung mga oras tayong dalawa lang, kwentuhan buong araw, lambingan, tawanan na parang wala nang bukas.

Kaso hinahanap ko pa rin sa sarili ko kung paano ako lulugar ulit. Paano ba ako makikitungo ulit. Oo, dahan dahan pipilitin ibalik lahat tulad ng dati.

Favor naman o? Tulungan mo naman ako. :)

Wednesday, March 23, 2011

May good news naman.

Hayaan nyo na muna ako para lang sa blog post na to. SERIOSO, last na to para sa month na to. O kung pwede nga para sa blog na to. Last drama na te.

BLOG ENTRY TO PARA NOONG FRIDAY 3/18/11 HANGGANG KANINANG UMAGA 3/23/11

SAMA NG LOOB MUNA.

Eto naguguluhan, na i-ilang.

Nag sasawa ka na ba? Napapagod sa kakaintindi? Hindi na nag kakasundo?

PERO

Para saan pa ang pag sasabi kung mag sasawa lang din? Para saan pa ang pag taggap kung ano ka talaga kung mapapagod din? Para saan pa ang isa’t isa kung hindi rin mapag kakasunduan?
Oo, alam mo naman na pikon ako. SORRY. Pero tinignan mo ba yung dahilan ko? Nakita mo ba kung ano yung situation ko?

Mas pina-iral mo agad yung inis.


Yun na nga, minsan nalang tayo mag kasama at yun pa yung mga oras na kailangan kita.

Eh na inis ka.

Nag sasawa ka na rin ba kasi sayo ako nag sasabi? Sawa ka na ba kasi pag nag sasabi ako sayo, problema? Ngayon lang naman to e.

Pasensya na. Hangga’t maaari naman kinikimkim ko sa sarili ko. Hangga’t kaya ko kasi na hihiya na ako sayo. Kasi nararamdaman ko rin naman na napapagod ka na. Nag sasaw sa pa ulit ulit nalang. Kasi siguro sa tingin mo wala akong natututunan sa mga ngyayari dati.

Pa unti unti naman nag babago ako. Pa unti unti. Kung ikaw yung tao na kelangan ng oras, ako rin naman. Hindi naman overnight ang pag babago. Sinisubukan ko naman.

Ikaw sa lahat ng tao ang nakaka-alam kung ano ang ngyayari sakin… Na saan na yung pangako natin sa isa’t isa na “walang mag sasawa?”. Tinanggap ko naman kung sino at ano ka.

Sakin ba, hindi mo ako pwede tulungan? At oo, “sanay ka na” at “okay” lang sayo na ganito ako.

Habang sinusulat ko ito aminado ako mali rin ako.

Siguro kasi sayo lang ako umaasa.

Kasi akala ko ma iintindihan mo ako. Hindi ko naman sinabi na akuin mo, problemahin mo rin yung pinoproblema ko, iyakan ang iniiyakan ko, ma-stress kasi alam ko may problema ka rin na sayo.

Nag hahanap lang ako na tao na pwede mag comfort sakin.

Sorry.

Pasensya na.



GOOD NEWS. NA REALIZE THROUGH OUT SIMULA NOONG SATURDAY

Wag ka mag alala. Okay na rin naman ako. Natututunan ko na i-set aside yung mga worries ko at gumagana naman. Constant prayer din. Salamat kay Kay kasi sinama nya ako sa Youth Service noong Sunday at ayan yung topic, Leave your worries.

Kaya pag tipong nag aalala na ako sa mga school works at sa bahay, pray na agad.




Kung may mgyari man na sa tingin ko stressful sayo o magiging nega pag dating sayo. Don’t worry, hindi ko na siguro sasabihin.

Monday, March 21, 2011

What true love is about...

It’s about learning to forgive him/her for his/her mistakes, not holding grudges and bringing up the past. It’s about learning to love and admire him/her even more for all the small imperfections, because not one person on this earth is perfect. It’s about discovering something new about each other every day, and falling in love all over again every time you look into his/her eyes. It’s about understanding and working through problems, not just giving up when something goes wrong. True love wasn’t meant to be easy, but it’s definitely worth it.

from a blog.

Sunday, March 20, 2011

Over flowing.

Pansin naman sa mga last blog entries ko, halos badtrip yung mood ko. Kanina nag Youth Service ako sa San Lo. Sakto yung discussion sakin. Sakto rin to sa prayer ko kagabi na sana mag karoon ako ng peace of heart dahil sa lahat ng stress na ngyayari ngayon sakin.

Ang galing lang ni Tito Eboy.

1) Life is Worrisome.

- We need food
- We need money
- We need shelter
- We need clothes

Oo nga naman, eh kung wala kang makakain talagang nakakabahala. Lalo na kung wala kang pera, kasi paano mo mabibili yang mga bagay na yan (food, shelter, clothes, etc.)? But also we need to know what is our NEED from WANTS.

2) Life is Troublesome

- We need to learn
- We need to work
- We need to stay healthy

Isa sa mga pinoproblema ko rin ngayon ay yung tuition ko, troublesome no? Lalo na pag enrollment na naman tapos 3 pa kaming mag kakapatid. Pero God is ever providing kahit na nag stop ako ng 1 term para mag pa ubaya sa hirap nga rin naman ng buhay pero wala naman nag kasakit samin, lahat malakas. Ngayon ko na lang nakikita ulit lahat ng blessing ni Lord.

Last is,

3) Life can be Wearisome

Every human life can be filled w/ activities but still missing meaning.


So I'll just share Bible verses Matthew 6:25-34,
Do Not Worry

25 “Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; or about your body, what you will wear. Is not life more than food, and the body more than clothes? 26 Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they? 27 Can any one of you by worrying add a single hour to your life?
28 “And why do you worry about clothes? See how the flowers of the field grow. They do not labor or spin. 29 Yet I tell you that not even Solomon in all his splendor was dressed like one of these. 30 If that is how God clothes the grass of the field, which is here today and tomorrow is thrown into the fire, will he not much more clothe you—you of little faith? 31 So do not worry, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ 32 For the pagans run after all these things, and your heavenly Father knows that you need them. 33 But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well. 34 Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own.


Sorry na nga lang ako, di ako pa babayaan ni Lord. Isipin mo yon ibon nga walang trabaho tapos kahit saan pa pumunta may kakainin, tao pa kaya na pinaka-mamahal nya?

Puro na nga lang siguro ako pag aalala, lagi nalang nag hihintay, pero ano nga ba ang priorities ko? Ngayon mas na-iintindihan ko na. :) Pasensya na sa mga na d-dramahan ko. Akala ko hindi ako na-iintindihan ng tao, pero hindi ko na rin pala na iintindihan sarili ko.

Hannah, sorry kung napapagod ka na sa pa ulit ulit nalang. Sorry kung nasanay ka na. I hope I can make it up to you.

I need your prayers guys. Tao lang din naman ako. Paminsan nag b-break down nalang. Mas alam ko na priorities ko ngayon. :)

Salamat Kay at Kat sa pag invite saking sa youth :') Mas na f-feel ko yung love ni God sakin ngayon. :)

Tuesday, March 15, 2011

ANGAS!

May bago akong term na ginagamit... ANGAS, parang ASTIG, IMBA, nakaka-WOW. Mga tipong ganun ba. Eh may isa akong picture na na ANGASAN ako sa buhok ko. Na sabi ko nalang na, Ayos a? ANGAS ng buhok ko!"



Kaya ngayon, ginagamit ko na sya bilang background ng mga site ko example ay ang twitter at etong blogger ko. Haha!

ANGAS!

Monday, March 14, 2011

Na isipan mag blog.


Normal sa mga bata na pag may nakitang gusto na laruan o usong bagay mag papabili na sa magulang. Lalo na pag nasa mall tapos pag hindi binili, mag susumpong sa gitna at iiyak.

Sinanay kami mag kakapatid ng magulang namin na walang luho. Dun sa "Bili mo ako nan! Bili mo ako non!" . Hindi mo maririnig samin yan nung maliliit kami. Kahit naman ngayon. Bago ako nabilhan ng colored na cellphone na galing sa magulang ko, 3rd year HS na ako! Nokia 6300. Unang colored ko na phone, sariling baon ko Sony Ericsson. Hindi rin kami yung tipong laging nag m-mall bawat weekend. Gastos, tapos kakain pa sa labas. Gastos na naman!

Halimbawa nalang sa sapatos, isang pares lang. Bakit ka nga naman bibili pa ng maraming sapatos? Pag nasira at hindi na talaga pwede ma-ayos saka papalitan.

Na iintindihan naman namin ng mga kapatid ko ang mga magulang namin. Yung mga unnecessary na bagay, hangga't maaari at kaya pa mag tiis hindi talaga.

Alam nyo ba na simula Gr. 3 wala kaming TV sa bahay! Serioso! Nag karoon nalang kami noong nag 1st year na ako kasi lumipat samin ang lola ko. Pero tignan nyo naman, TV na yon. Hindi pa rin bumili. Angas lang e. Hahaha!



Simula nung nasira yung 6300 ko, di na ako binili ng cellphone. Buti nga may nahiraman ako (eh nasira din) at niregaluhan ako ng Cherry mobile. Yun na gamit ko ngayon, yung cherry.

Di ko maiwasan paminsan i-compare ang sarili ko sa iba. Bakit sila...?

Ngayong college, kung hindi man lahat... pero napapansin ko na halos lahat ata may iTouch. Wow diba? Lahat meron naka-saksak sa tenga na earphones. May mga pinag kaka-abalahan pindutin.

Kahit siguro noong umangat angat yung kabuhayan namin hindi ko naramdaman... siguro lahat binayad sa utang. Hindi ko na rin inalam. Hindi na rin ako nag tanong.



Wala na atang pinatutunguhan tong blog post ko. Basta yon. Naisip ko lang sabihin dito. Bigla na naman ako na insecure e.

Living the moment. 3-13-11

Happy Birthday Paolo(Brother) and Kevin(Crewmate) !


We (SplitSecond Crew) had our 1st photoshoot for our website that's being worked on by Ryan "Dagger Boii" Termoso. The layout is ah-sam! Here is a sneak peak!



So we started the photo shoot at San Jose Phase 5 (pictures to be uploaded soon) and then Nuvali.






Waited for Kevs to arrive from his NSTP class. He bought 3 boxes of pizza! Told jokes, shared stories! We didn't even finished eating the last pizza box! So I take them home!

Everyone was just laughing! Even though we're not complete, it was a fun experience! You'll not notice that everyone have their own personal problems. We just lived the moment. Didn't want to ruin the mood. We didn't really want to go home yet, but it was getting late already.

Saturday, March 12, 2011

Alam mo yung wala ka nang magawa kung hindi ma-inis? PART 2

Talagang bumabagabag sa isip ko kasi yung una kong blog na title ay "Alam mo yung wala ka nang magawa kung hindi ma-inis?". Kaya naisip ko na mag part 2.
Hindi ko kasi matanggal sa isip ko na pwede pala yon. As in gusto ko kasi talaga mag CSB. Nahihirapan ako maka-get over/mag move on. Nararamdaman ko yung feeling na nag a-adjust ako nung 1st week ko sa Canlubang. Nahihirapan ako. :'( Lahat na a-apektuhan...

12 pa naman ngayon... Galing ko lang sa training ng football tapos nag yaya sila mag 3B para kumain. Hindi na ako sumama, wala na rin kasi akong pera pang kain. Nakakapagod sabihin na "Okay lang ako :)"

Sorry Hannah. Sa bawat lapit ko nalang kasi sayo, puro ka-dramahan ko lang e. Ayoko na sirain yung mood na masaya ka. Lagi nalang kasing ganun... Di okay sakin yun e. Kaya kini-kimkim ko nalang (at dito sa blog ko nilalabas). Ayoko na mag alala ka. Sorry kung akala mo galit ako sayo.

Natatamaan tuloy ako rito,
"Nakakasawa rin ang pag sabi ng "OKAY LANG" sa bawat sorry. Lalo na kung alam mong hindi ka talaga okay."

Kasi sa bawat sorry ko, alam kong hindi ka okay. Alam ko na dapat nag tutulungan tayong dalawa sa mga ganitong scenario. Pasensya na...

Non sense lang tong hini-himutok ko. Nakapa-babaw no? Ang labo ko kasi. Pwede naman i-accept ko nalang. TAPOS.

Eh hindi e. :|

Friday, March 11, 2011

Para lang may malagay sa title.

Given na yung mahirap mag aral. Mas makakapag focus ka siguro kung ang pinoproblema mo nalang ay yung pag aaral mismo. Mga assignments, projects, report, exam, etc. At hindi yung baon mo kung mag kakasya ba sa isang araw... Yung tuition mo na kung makakapag enroll ka next term/sem/school year... Mga gastusin sa bahay kasi lahat na ng bilihin nag tataas... Magulang mo na nakikita mong nahihirapan pero ano pa rin tong ginagawa nating mga anak?

Sakin kasi sakto lahat. Kung may sobra, edi para sa susunod na yon. Lalo na sa pera. Hindi naman kami mayaman. Yung kaya lang para sa pang araw araw. Saya siguro ng pakiramdam na wala ka na masyadong aalalahanin kung hindi ang makapag tapos ng pag aaral. Mag hanap ng trabaho at kumita.

Paano pa kaya yung mga wala talaga?

Na saang La Salle man ako, ANIMO!

Nakakasawa na ang pag sabi ng "OKAY LANG" sa bawat SORRY. Lalo na kung alam mong hindi talaga okay.

Alam mo yung wala ka nang magawa kung hindi ma-inis?

Galing nga pala akong De La Salle College of St. Benilde bago ako nag La Salle Canlubang. Financial problem kaya ako lumipat. From Mulitmedia Arts, ComArts major in Media Arts na ako. Eh paminsan na dedesmaya... kasi gusto ko talaga sa CSB. Tapos nung nalaman ko pa to...

May kilala ako CSB ngayon nag aaral, sabay kami pumasok nung 1st term. Scholar sya. Tapos alam nyo ba kung ano scholarship nya o paano nya nakuha? Kasi sa hindi matutustusan yung tuition nya, gumawa sila ng statement of account. Teacher kasi yung job ng kuya na nag papaaral sa kanya. Eh di naman ganun ka taas ang sweldo ng teacher para ipang tustos sa tuition ng CSB. Sympre pang araw araw pa na gastusin o kung may iba pa silang family member. Hindi ko alam.

Pero badtrip no? Yung mga oras na yon, di rin naman namin kaya ako pag aralin sa CSB e. 1st term tuition ko inutang kasi di namin kaya na isang bagsak na 60k. Tapos pwede lang pala na ganun? Bakit hindi man lang sinabi? Nag tanong ako kung pwede pa ang scholarship, sabi nung _@#(!(& BABAE sa may admissions,
"Ay bakit ngayon ka lang nag tanong? Wala na."
LINTEK LANG PO. TAPOS SASABIHIN NYO SAKIN (YUNG GUIDANCE COUNCILOR NUNG INITAL INTERVIEW KO NOONG 1ST TERM KO SA CSB) NA ANG VISION NYO, KALAHATI NG ENROLLED AY SCHOLAR? WEHHH? DI NGA???

LOKOHAN??

Sobrang inis lang. Bakit naman kasi... :'( Gusto ko talaga nung course at doon mag aral.

Ayoko na rin naman mag shift o lumipat pa ng school. Masaya na rin naman ako sa DLSC, pero pag may mga oras lang na "sayang". Nandito na rin naman ako, pag iigihin ko nalang.

Wednesday, March 9, 2011

Mas maganda pakinggan ang CHOS kesa sa JOKE

New Yorker ng Tondo


Yan na ang title ng theater play namin na gagawin sa INTROTA, hindi na yung Sherlock Holmes. Haha! Nakita ata ni Miss yung blog post ko, CHOS. Basta manood kayo ha? Pag ipapalabas na namin. :> May surprise ako. Hihihi!

Anyway, ang labo ng pakiramdam ko. Uneasy feeling. Walang peace of mind and heart.

Gusto ko sana ng kausap pero hindi ko nga alam ano ngyayari sakin e. Hindi ko rin alam kung ano sasabihin ko sa kanya. Ang labo ko. Nakaka-depress. Tawa nalang. Haha! =)) :D :) :] :\ :| Chos.

Insecurities? Yun namana lagi. :|

Sa katawan ko: Ang payat ko kasi. Tapos pag na cocompare ko pa sarili ko sa iba.

Sa course ko: Feel ko hindi ko sya magagawa ng maayos? ComArts kasi. Tapos nakaka-inggit din kasi si Ryan gumawa ng site para sa crew namin, patapos na raw. Eh MulitMedia Arts sya, yung course ko sa Benilde. Wala lang... Kasi gusto ko talaga yon. Eh sabaw ako sa communication ek ek.

Sa family: Hindi ko nalang i-elaborate, pero ngayon palang nag p-pick up yung bagong job ng Dad ko. Eh to think ilang taon na sya. Oo, 42 mejo okay pa. Nag t-travel kasi sya sa depende sa assignment sa kanya, pero hindi ba parang late na para sa edad nya yung ganun? Ewan ko. Ako kasi yung nahihirapan para sa kanya e. Kung nung bata bata pa sya, inisip na nya yon at pwede makapag retire ng maaga.
Mejo hirap din sa pera. Sabaw...


Inggit? Oo siguro. May mga hinihintay na ganito, ganan... pero hanggang kelan mag hihintay?

Na iinis ako lalo na dun sa mga tao na binibigay sa kanila lahat ng mga magulang nila pero ano ginagawa nila? Yung iba wala lang para sa kanila. Hindi ko alam kung na iisip nila na swerte sila.

GAH. Kailangan ko ng peace of mind. Kailangan ko mapakalma sarili ko. Ang dami kong iniisip. Nakaka-depress.

Pasensya na. Sana may na intindihan kayo. Kasi parang pag kinwento ko sa tao to, maisip nila nag da-drama lang ako. "Okay lang yan" KELAN MAGIGING OKAY ANG LAHAT? Mag hihintay na naman ba? Gahhh, i hate this attitude of feeling impatient. Kasi buong buhay ko, nag hihintay lang ako na maging okay ang lahat.

Temporary lang kasi lahat... Oo, ang kahirapan ang tagaaal bago naging okay... nung um-okay na, ang bilis naman kunin. Hindi ko man lang naranasan...

Unfair diba? Pero bakit yung iba? :\ Bakit? :(

GOD I NEED YOU.

Tuesday, March 8, 2011

Hassle Week.


Sobrang stressed lang ng mga susunod na mga linggo. Uunahin ko na sa INTROTA (Introduction to Theater Arts). TTH, 4:20 to 5:50. Eh kasi ngayon ang finals namin ay gumawa ng production play. So mag e-extend hanggang 8pm! Okay lang naman sya sakin nung una mga linggo ng classes, kasi nakaka-excite pa tapos may background naman ako sa pag t-teatro. pero nung nakuha ko na yung script last week... Sherlock Holmes play kasi sya, tapos ENGLISH. Eh mahina ako mag deliver ng lines pag english. Ang hahaba pa ng mga lines, tapos kamusta naman dalawang short plays yung i-present namin. Kamusta naman yung mga gagawa ng props? Hassle sa kanila diba? Kamusta naman yung may mga lead roles? Ang hahaba kaya nung mga lines nila. Yung akin pa nga lang e, kahit isang scene lang ako 3 pages na agad. Mali ata tong napasukan ko, napapasugo pa ako e.

Monday, March 7, 2011

Sunday, March 6, 2011

Sorry nalang ako :) 3-6-11



Hay, eto na ako ngayon. Ang ikli na ng buhok ko.

Lately umaattend na ako ng mga Christian fellowships and service. Natuwa naman ako at open na ang parents ko sa mga ganitong bagay. Tulad kanina, may 10am na service sa Laguna Bel Air Christian Fellowship may friend kasi kami roon tapos ininvite kami. Tapos 3pm naman, sa San Lorenzo ako. Youth fellowship naman ng Bread From Heaven Christian Fellowship. Oh diba. Ako na banal. JK.

Siguro way na rin ito ni God para mas mapalapit ako sa kanya at reminder tulad nga ng lagi nya sinasabi sakin...

Sorry ka, di ka iiwan ni God


:)

Tuesday, March 1, 2011

Tears of Joy 3-1-11


Bukas mag papagupit na ako, at walang kinalaman yun sa title ng blog ko. =))

Una, nakaka-iritia na kasi yung buhok ko. HAHAHAHAHAHAHA! Lalo na sa pag sasayaw. Tumatama na sa mata tapos hindi ko na ma-style. Hindi na rin maganda tignan. (Sa wakas, na tauhan ka rin Ramon! Haahahahahahahaha!)

Pangalawa, sa dami ng araw na di ko dala yung payong ko NGAYON PA at UMULAN.

Pangatlo, pag katapos ng halos isang araw na walang tulog (ngayon na lang ulit to dahil sa isang project at crammer ako e =)) ) makakatulog na ako ng dire-direcho! Kahapon kasi, gumawa ako ng kaugnay na literatura. Dahil gumagamit pa yung tatay ko pag dating ko sa bahay ng mga 9pm, natulog muna ako at gumising ng 12mn. Natapos ako sa kalahati ng mga 4am. Natulog ulit at pumasok sa 11:20am ko na klase. 3hrs na break time at ang hinihiling ko lang ng mga oras na yon ay ang makatulog na ako. Nag training pa ako ng sayaw from 6pm-8pm. Pag dating na pag dating ko sa bahay, tinapos ko na yung project para makatulog na ako ng direcho! At yun yung TEARS OF JOY.

Words are sharper than swords.