Friday, February 25, 2011

Pa'no ba masaktan ang mga lalaki?

Don't own anything! From: isangmalakingoven.tumblr.com

In reality, mas attached talaga emotionally ang mga babae. Sa tuwing may nangyayaring hindi maganda, mas prone na masaktan ang mga babae. Pero siyempre, may mga lalaki pa ring kapag nasaktan, masakit talaga. Nagkataon lang siguro na hindi showy ang mga lalaki. Nagkataon lang siguro na kapag nasaktan ang mga lalaki, tahimik lang sila.

Pa’no nga ba masaktan ang mga lalaki? I don’t know. Magkukwento pa ba ko? ‘Wag na. Ahaha! Nai-post ko kasi dito kagabi ‘yung tungkol sa narinig ko sa radyo kagabi. Ilan siya sa ilang lalaking caller na narinig kong umiyak on-air dahil sa pain na naramdaman at naranasan niya. Honestly, naka-relate ako. K fine, I’ll make kwento. Conyo? Ahahaha!

Na-in love ako dati sa isang babaeng walong oras ang layo sa’kin. Long distance. Ilang araw bago siya umalis dito, naging close kami. Hanggang sa unang mga buwan niya dun, pinararamdam ko lang palagi sa kanya na hindi kami ganoong magkalayo. Siyempre, dilemma ng mga nag-a-abroad ang ma-homesick. Unti-unti, na-develop rin ako. Alam naman niya, kaso nga lang, fresh pa siya mula sa isang break-up. Bilang kaibigan, kailangan ko siyang suportahan emotionally. Ganun talaga.

Mga mag-iisang taon rin ang lumipas at mukhang okay na naman siya. Medyo MU na rin pala kami nung time na ‘yun at ang masaya pa nito, magbabakasyon siya dito ng isang buwan, sakto para sa JS namin. Eh di ‘yun nga, umuwi siya. To cut the long story short, mahal pa rin pala niya ang kanyang ex. To the rescue na naman ang drama ng lolo niyo. Ganun eh. Kailangan ko munang isantabi ‘yung nararamdaman ko at maging isang kaibigan sa kanya.

Natakot na daw siya na maulit niya sa’kin ‘yun. Pero sa’kin, wala naman gaano ‘yun. Oo’t medyo may kirot pero ganun talaga. Minsang akala mong okay ka na, pero mahal mo pa pala ‘yung nakaraan mo. Mga isa’t kalahating taon rin ang lumipas, nakahanap na siya ng taong magpapasaya sa kanya. Boyfriend, in short. ‘Yun ang talagang nagbigay ng malaking impact sa’kin. I was literally shocked na parang hindi rin mag-sink in.

Bakit nga ba ko nasaktan? Siguro, dahil na-realize ko ng mga panahon na ‘yun na wala na talaga, na I have to let go na. It’s time na bigyan ko na ang sarili ko ng pansin, ng saya na manggagaling mula sa ibang tao. But of course, it was never easy. Naging gawain ko pa nga nun ang maglakad-lakad para makalimot. Ang dami kong narating, ang daming pawis ang nailabas ko. Muntik na kong makarating ng Caloocan, nakapasok pa ko sa campus ng Lyceum ng hindi ko nalalaman. Wala eh. Nasa state of shock ako nung mga panahong ‘yun.

It took me more than a year to move on. Siguro, pa’no masaktan ang mga lalaki, the answer would be: wow, ah okay, masakit, wait lang, ugh, siyete. Mahirap i-explain.

No comments:

Post a Comment