Wednesday, February 2, 2011

Futsal sa Westgrove 2-02-11

Kaninang 6:30 tinawagan ako ni Vikko mag Futsal daw kami. Na yaya na rin nya ako kahapon, eh nakalimutan ko mag paalam ng mas maaga. Edi ayan na nga, pag paalam ko mejo badtrip magulang ko pero pinayagan parin naman. Around 7 pumunta kami ng Caltex sa may Paseo para i-meet si Steven. May auto sya, so sa kanya na kami sumabay pa punta ng Westgrove. Pag dating namin don, nakita naman sila AJ and Co. mga tiga-Don Bosco, actually unang game namin sila at sila lang ang tanging panalo namin sa 4 na laro. =)) Halos naka-4 ata kami. Naka-2 goal ako ron ;)

Grabe, nakaka-hingal talaga mag laro. Lalo na pag wala nang training. Di naman kami pinapa-takbo sa LUCID so walang stamina. =)) Mag t-training na ulit ako! Sa sabado nga pala. :"D

Napagisip ko tuloy dun tumira pag nag karoon na ako ng trabaho, tipong 20 years from now. :P gaganda ng bahay e. Tahimik pa. Peaceful. =))) Ayun nga lang, ANG MAHAAAAAL. Eh wala naman masamang mangarap diba? Yun na nga lang ata libre sa mundo except sa pag hinga. =)))

Mukang mahaba na naman ang araw bukas. Saya ng walang pasok ngayon at late ang pasok bukas.

No comments:

Post a Comment