Saturday, November 19, 2011

Dalawa lang yan e.

UNA, kung aamin ka na mahal mo sya.

o

PANGALAWA, kung itatago mo nalang.

Ang hirap mamili lalo na pag aamin ka sa bestfriend mo. Hindi mo alam kung tama ba na i-risk ang friendship na inaalagaan mo o i-risk na baka pwede naman kayo mag work.

Pinili kong umamin sa kanya 2 years ago (almost) and it turned out good naman. Kaso ngayon, wala na. Parang iniisip ko kung tama ba na umamin ako? Kasi ngayon, feel ko nawalan ako ng bestfriend. Hindi na mababalik yung dating samahan. Ewan ko kung tama to pero ganun nararamdaman ko e.

Four years kayo mag kakilala nung high school, mag bestfriends kayo. Nag fall ako sa kanya and I took the risk of telling her I love her and asked her out on a date na naging ligawan na.

Ang hirap lang ngayon, sobrang na mimiss ko na sya. Gusto ko syang lapit, kausapin. Oo nga naman, ano nga ba ang pumipigil pa sakin na gawin yon?

No comments:

Post a Comment