Friday, November 18, 2011

Ang plano talaga, lilipat ng UPLB. Naka-1 term din ako sa DLS-CSB. Kung hindi lang talaga nag ka problema, sana nandoon pa ako. Nag stop ako ng 2nd term. 20+ units lang ako sa Benilde at kailangan ko pa ng 10+ pa ata na units para sa cut-off ng UPLB. Lipat akong DLSC para mag pa taas ng grades. Okay naman grades ko 3rd term SY 2010-2011 pero mas pinili ko mag stay nalang kasi…

Ngayon parang sayang na. Don’t get me wrong. Walang problema saking ang Canlu. Gusto ko lang lumayo ng sobra ngayon. Okay na naman ako e pero kung ganito rin ang trato mo sakin mas mabuti na nga lang na lumipat ako. Kaso hindi ko na magagawa yun e, sayang lahat ng hirap ng magulang ko, sakripisyo nila kung lilipat na naman ako. Yung gastos ng pang araw araw ko, dorm, yung oras sa pag lilipat ko galing CSB hanggang Canlubang. Gigising ng sobrang aga para lang kumuha ng 2 page na papel sa CSB tapos babalik na namang Laguna.

Hanggang ngiti nalang ba? Pinang hahawakan ko pa rin lahat ng sinabi mo pero hanggang kailan ko dapat gawin yon? Kailan ba ako dapat sumuko? Sabi nila, wala naman mawawala kung hindi susubukan, pero hanggang kailan? 4 na taon ng HS at halos 2 taon na mag kasama. Feel ko na baliwala lang ito. Daig ko pa dayo.

Oo, okay ako. Pero siguro na sanay na ako sa sakit ng nararamdaman ko.

Ako na siguro ang pinaka-senting tao. Mag isa sa kwarto, kumakain mag isa at nanonood ng One More Chance, kinikilig, lumuluha. Napaka-hopeless romantic ko na ngang tao eto pa. Tinatawanan ko nalang sarili ko.

No comments:

Post a Comment